Pages

Lunes, Oktubre 17, 2011

PINAKAMAGANDANG LIHIM

PINAKAMAGANDANG LIHIM
Itong aking lihim ay singtagal na ng aking buhay
Ngunit kung kalian ibubunyag ay hindi ko nalalaman
Pilit itong ikinukubli sa takot na ikaw sa akin ay mawalay
Sa aking mundo ikaw lamang wala itong pagaalinlangan

Akin ng kinagisnan ang pag-ibig ditto sa aking puso
Walang araw na hindi ka sumagi sa isip ko
Ang bawat tagumpay inaalay ko lamang sa iyo
Ang hinaharap ay puno ng pag-asa kung magkakasama tayo

Darating ang araw malalaman mo ang pinakamagandang lihim
Ang lihim na naging inspirasyon ng bawat tagumpay at adhikain
Ang lihim ay ang katotohanang magpakailanman kita’y mamahalin
Ang takot kong sa iyo’y mabigo ay mawawala kung ako din sana’y iyong iibigin  


Read more: http://tagalog-poems.webnode.com/news/pinakamagandang-lihim/
Create your own website for free: http://www.webnode.com

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento