Kami ay isinilang sa napakagulong mundo
Nagisnan ang mga taong lito
Pinalaki kami ng maayos
Maski na ang buhay naming ay wala sa ayos
Hiwalay si Ina at si Ama
Ngunit kami ay di lumaki sa masama
Kami ay lumaki sa isang may ginintuang puso
Na nagmahal sa amin ng taos puso
Kami man ay mga musmos
Nagtataka pa rin sa kanilang ikinikilos
Bakit si ama ay di nakikita
Puro sulat na lang ba an gaming mahihita?
At si ina naman ay nasaan?
Nawalan tuloy kami ng ilaw ng tahanan
At dahil kami ay mga bata
An gaming isipan ay hindi pa makaunawa
Lumaking masama ang loob sa maraming bagay
Lumaki ring walang magulang na umaalalay
Oo nga at kami ay minahal ng mga taong sa amin ay nagalaga
Ngunit iyon ay di sapat
Sapagkat ang hanap ng puso’y si Inangkatapat
Ngayon kami ba ay masisisi?
Kung kami ay walang tiwala sa sarili?
Al naming na hindi iyon maganda
Ngunit alam naming kami ay naiiba
Buti na lang aking natagpuan
Isang matapat na kaibigan
Itinuro niya sa akin ang magagandang bagay
Na sa aking puso ay nagbibigay buhay
Sa puso pala ay di dapat manaig ang galit sa ating kapwa
Tayo ay dapat na maging matatag
At hindi puro iwas at ilag
Sa mga hilahil at hirap na dinaranas
Maraming bagay pa akon naatutunan
upang ang atin buhay ay maiayos naman
At maiwasan magkaroon ng magulong buhay
Ito sana sa atin ay maging gabay.
-Halli, January 27, 1994
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento