Pages

Lunes, Oktubre 17, 2011

Pag-ibig ba O Paghanga Lang:)

Pag-ibig ba o Pag-hanga lang
Lagi akong dinadaya ng puso kong mapaglaro
Akala ko’y totoo ngunit minsan ay naglalaho ang damdaming ito
Ngunit ngayon mukhang ako’y bininirong muli ng aking nalilitong puso
Lito nanaman ang puso at isipan ko
Saan man ako naroon
Saan man ako tumingin
Ipikit ko man ang aking mga mata
Siya pa rin ang aking nakikita
O puso kong madaya
Bakita ako pinaglalaruan?
At bakit ngayong ako’y bata pa
Nakipagkasundo ka bas a mapagbirong tadhana?
O ano ba ito pag-ibig nab a o paghanga lang?
Ako man ay hindi ko alam,
Nang dahil kay kupidong puso ko’y pinana ng di man lang nagpaalam
Datapwat ako pa rin ay nagpapasalamat
Sapagkat ako naging Ganado sa aking mga trabaho
Hindi ko man alam ang aking nadarama
Ako pa rin ay Masaya sa buhay kong masagana
                -Sha, September 16, 1993


Read more: http://tagalog-poems.webnode.com/news/pag-ibig-ba-o-paghanga-lang/
Create your own website for free: http://www.webnode.com

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento